الصكوك
Ensembles
Genres
الملحنين
الأداء

الأغاني: Martin Nievera. Other. Pag-uwi.


O kay tagal na natin nagkakalayo
Nung tayoy magkahiwalay akoy musmos
At sa hardin ng kabataan nangakot nagpaalam
At hinagkan kita may gatas pa sa labi

Ewan ba saan napunta ang panahon
Sa hanapbuhay buhay koy nakatuon
Sa bayan ng mga banyaga
Ako ay manggagawa
Pag-ibig ko sayo iniirog

Ohh kay layo mo
Di maabot nitong mga kamay
Walang tulay na kayang tumawid
Sa mga taon kundi ang alaala

Alam ko nang ating mukhay may guhit na
Mga dinanas natin ay magka-iba
Ngunit saking pagbabalik
Sariwa ang halik, halik sayong dibdib
Bayan ko

Ako ngayon ay pauwi at napapangiti
Pagkat malaon na oh bayan ko

Ohh kaylapit na
Akoy sabik na makapiling ka
Sa pagdating may luha mat wala
Akoy sisigaw at hahalik sa lupa ohhh

Kay tagal na nating magkakalayo
Noong tayoy nagkahiwalay akoy musmos
Ngunit ngayon ay pauwi at napapangiti
Pagkat malaon na sinta
Ako ngayon ay pauwi at napapangiti
At hahalik sayo bayan ko